Friday, October 15, 2010

Pagkakapantay ng Tao

Ang pagkapantay pantay ng isang tao ay dapat mapakilos sa ibat ibang bansa.Dahil ginawa tayo ng Diyos na magkakapareho sa kanyang paningin,walang mahirap,walang mayaman,walang mataas at walang mababa.Pero may mga taong mapangabuso at mapanglamang sa kapwa.Hindi porket mayaman ay pwede ng mangtapak ng isang tao sa kanyang karapatan mabuhay.Walang karapatan ang isang tao na pumatay,manglait,mangmaliit at mangmaltrato sa kanyang kapwa.Subalit maraming gumagawa nito at walang awang minamaltrato at pinapatay.Yung iba ay nakakalimutan na paparusahan sila ng Diyos sa kanilang mga ginagawang mali.Karapatan din ng tao na maging malaya at maging masaya at mabuhay na karapatan na binigay ng Diyos sa kanya.Ang Blog na ito ay nagsasabi kung papaano itrato ng mabuti ang ibang tao at kung papaano tumingin sa ibang tao na walang nagmamataas at lahat ay pantay-pantay.

4 comments: